High School Life / Batch 91

hay naku kakamiss talaga high school life..more than 10 years na pala nakakalipas.

Batch 91 Reunion April 2008

Batch 91 Reunion April 2008

pero kahit matagal na panahon na mga nagdaan di ko pa rin malilimutan ang mga pinagsamahan mga adventures and misadventures ng Batch 91.

Sino ba makakalimot sa rivalry ng III-Gold at III- Silver / IV-Narra at IV- Molave? Hindi paawat sa mga oral declamation,Florante At Laura, gaya gaya puto maya contests at kung ano ano pang contests. Buti na lang nananalo kami kahit papano, galing kasing umarte ni Lissete Tica kasama na ang mga Katipuneros sa background. At swerte din kami sa mga back up dancers namin sa Elvis and James presentation ng III-Silver. Nadala ng sleeveless blouse at may spraynet na buhok..

Lisette Tica  Best Actress of Batch 91

Lisette Tica Best Actress of Batch 91

 Naalala ko pa mga grupo at kabarkada kong BRat Boys, notorious sa panonood ng Triple x na betamax pagkatapos magpiknik at uminom ng fanta sa bahay nila Dennis. Nandyan din ang G-7 ng IV Molave, JR GEMS, barkadahan ng Cardona Girls at Binangonan Boys…

BratBoys Founding Chairman

BratBoys Founding Chairman

At syempre ang RAGE compose of Roehl, Alejandro (anak ni mayor), Gil and Eric. With matching RAGE t-shirts at L.A. gear na sapatos pa yan ha habang naglalakad magkasabay sa Mateo Hall.

Alejandro Gallido source of funds ng RAGE

Alejandro Gallido source of funds ng RAGE

Namimiss ko din kumain sa Guevarras. Sampung piso pa lang ata ang ulam noon at di pa uso ang fasfood sa Morong, dahil ang pinakamalapit na Jollibee ay sa Edsa Crossing pa matatagpuan.

Wala pang Gloria Resign noon pero may Valdriz Resign naman. Di pa uso cellfone o pager non, kasi kahit PLDT phone bihira kang makakita maliban lang sa bahay nila Giselle Gonzales. Wala pang playstation non pero at least may atari sila Deo Aterado. Wala ding FX non pero may Blue Thunder naman, ang paboritong jeep ng mga estudyante. Wala pang Creepwalk non, pero may Roger Rabbit at Running man na tinuro pa sa kin si Oliver (alagang alaga namin si Puti..) bago mag concert ang NeoColors. Sikat na si Gary Valenciano noon, sikat pa rin hanggang ngayon.

Naalala ko din ang mga girls na pinangarap ko maging kabiyak ng aking buhay, kaso torpe talaga ako non..Crush ko talaga ang mala-anghel na kagandahan ng Vidanes sisters..(Angelica and Gemma, in alphabetical order yan) ..si Gladys Ignacio a.k.a. Goldie,na beauty and brains..at si Maricel Santos ang black beauty ng Teresa na naging ka close ko lang after graduation sa dahil sa isang overnight swimming namin.

dahil sa night swimming

dahil sa night swimming

Takot ako dati sa mga Officers kasi kailangan ko pang mag side step pag nakakasalubong ko sila. Minsan kahit officer-officeran nagsisidestep din ako. Takot din ako sa grupo nila Stalin, kasi ang lalaki ng kanilang katawan. Kung pwede ngang mag side step din ako sa kanila gagawin ko.

Janet Alfonso ( ang aking Pangulo ) jANET aLFONSO -ang aming Class President

Haay sarap talagang maalala mga nakaraan. Nakakamiss. Lalo na ang mga taong nakasama at naging kaibigan mo. Miss ko na Class President ko, si Janet Alfonso huli kong nakita sa Mcdo Crossing way back 1995 pa ata. Miss ko din mga barkada ko, sila Peggy, Sir Dennis Inocencio, Edzel, and Francis Mangulabnan. Miss ko mga taga Cardona, si Matet, si Rica the crying Lady, si Estacio, si Glad na perslab ko…

Yung ibang kabatchmates ko nakikita ko rin,minsan sa Mrt, minsan sa megamall, minsan sa Karaoke, minsan sa bilihan ng pirated DVD, kaso dyahe mag approach kasi nakapustura sila samantalang ako dami dalang gamit. Mga pasalubong sa Lola ko sa Binangonan. Minsan na rin kasi ako umuwi, wala na kasing byaheng bus na San Ildefonso Lines. Mura kasi don.

Musta na lang kila Julian Joseph, future Congressman 1st District of Rizal, sa aking ex si Lyn Santiago,hehehe. Next tym ingat sa paglalakad baka madapa ka. Sa Guy and Pip ng Batch 91 Lia Santiago and Ruel Balbuena, ang mga entreprenuers na Minnie and Eric, at sa mga kabatch ko na taga Baras, Cardona, Teresa, Tanay, Pililla, Morong at Binangonan, hinding hindi ko kayo nakakalimutan, lalong lalo na kung anong petsa ng Piyesta sa inyo!!!! Mag-imbita naman kayo! hehehehe



12 Responses to “High School Life / Batch 91”

  1.   BaTCH NiNeTyoNe Says:

    Pinahanga mo naman ako,Mr. Gil Aguilar…Nakakatuwa pero totoo lahat sinabi mo!!! (Nasaksihan ko ang karamihan jan!!)……..
    BATCH ‘91 is the best!

  2.   Dea Says:

    Wow!
    Kahit wala ako sa pagbabaliktanaw mo, ok lang! Di nga ako sure kung kilala mo pa ko!
    Eniwei, saludo ako sayo! Mahirap talagang kalimutan ang high skul life! Kahit ano pa tayo ngayon, ganito pa rin tayo nun! Pareparehong nag-enjoy sa RTPI!
    Sinadya mo bang ilagay yung Janet Lopez? Si Janet Alfonso ba tinutukoy mo?

  3.   Gil Says:

    Ooopss! janet Alfonso nga tinutukoy ko.. nakatingin kasi ako sa pic ni J.lo that time? hehehe. Kaw pa makakalimutan ko. naaalala ko binigyan kita ng 3 sets of pamaypay sa exchane gift sa xmas party. pamaypay sa kalagitnaan ng lamig ng december? whatta gift. hehehehe

  4.   Jing Says:

    great recollection! very highschoolish ha ha…kulang na lang 80’s soundtrack!!goodluck!

  5.   Roehl Says:

    Grabe memory mo bro.

    I’m still open for a two rounds of beer and ituloy na natin.

    I still have the same contact number: 63920-906-428.

  6.   Roehl Says:

    63920-906-4268 pala.hehehe

  7.   lizette Says:

    Hi!..I got the chance to read ur blog sobrang nakakatuwa naman,ur still d same Gil we used to know back in high school..very humorous yet so sensible!!..at talagang na mention pa name ko ha(na remember mo pa pagiging best actress ko nun hehehe!!!)Hayy,ka miss talaga ang hs life ang sarap balikan ng mga memories..Batch ‘91 is really the best!!!

  8.   lyn Says:

    haler,nung mabasa ko blog mo sobrang natuwa ako! pero pinangaladakan mo pa sa buong batch naten!ha,ha,ha. e wat ba nangyari sa yo at wala na akong nabalitaan na sa yo rati,basta ka nawala joke lang.ha,ha,ha. anyways sobra ka talaga magaling mag reminish.correct ba spelling ko ha,ha.lang months nga ba tau 2magal!ha,ha,ha. sarap balikan talaga…

  9.   Candle Says:

    Gil,

    Kasiyahan at kalungkutan ang aking nadama nang mabasa ko ang tungkol sa mga nakasulat dito. Sa ilang saglit ay nagbalik tanaw sa aking isipan ang ilang pangyayari.

    This triggered me to explore my friendster account -have just posted my own blog here.

    Binalak kong mag-attend ng mga nagdaang reunion ngunit kahit isa ay di ko napuntahan. Kelan kaya ulit?

  10.   Maricel Santos Says:

    Aha! Kakatuwa naman story mo, natandaan mo pa lahat ha. Tnx … na mention mo pa name ko… At naalala mo pa rin ako hane… Last kita ko sa yo alumni sa morong, may asawa ka na nun di ba. bagong kasal ka pa nun di ba. un ang pagkakatanda ko.. hope to see u again…

  11.   dea-2005 Says:

    ngayon ko lang uli nabasa mga comments dito, kakatuwa talaga! imagine 2006 mo pa sinulat hanggang ngayon marami pa ring nag-eenjoy pagbabasa! nagulat din ako dahil me comment na pala ako dito at sinagot mo pa! After two years ngayon ko lang nabasa ang reply mo! kakatuwa talaga! sobrang galing naman ng memory mo, di ko kase maalala yang pamaypay na sinasabi mo! eniwei, keep on writing! saludo ako sayo!

  12.   dennis Says:

    galing mo talaga magsulat pre! naupdate mo narin pla ito, nabasa ko to last year pa ata. ngayun may picture na! pati picture ko nilagay mo pa ahh! pag kakalam ko eh kaw ang founder ah! betamax operator lang me eh! hehehe.. or c erick ang founder? tapos kaw eh supplier? (supplier ng tapes) hahaha..

Leave a Reply